Monday, August 23, 2010

Wapak!
(ni Brian John Mendoza)

Don't judge too quickly what you see;
Treat lightly first impression;
Misunderstandings multiply
Without communication.
--Sper

Napatingin ako sa bandang kanan, nakita ko si Dyesebel lumalangoy sa karagatan. Umihip ang malakas na hangin sa bandang kaliwa at napatingin ako. Naroon si Aang, ang Last Air Bender. Kumurap-kurap ako at napatingala, naroon sina Captain Barbel at Darna lumilipad. Kabaliwan kung maituturing. Mga taong lumilikha ng mga 'di malilimutang katauhan. Mga taong masasabi nating may malawak na pag-iisip at maimahinasyong katangian.

Isa ako sa kanila. Isang binatilyong kung mag-isip ay Out of this World. Isang binatan may paniniwala na taliwas sa realidad. Kadalasan akong mahusgahan ng mga katulad kong hilaw pa kung maituturing. Mga kabataang salat pa sa karanasan.

Lubos akong humahanga sa taong masasabi nating katulad ko. Mga taong dahilan kung bakit nahulma ako bilang isang tao. Mga taong gumising sa akin kung sino ako. Mga taong nagbigay ng inspirasyon upang patuloy na mabuhay sa kabila ng kalupitan ng lipunang ito. Mga taong patuloy na naniniwala na may pagbabago kung sakali mang may 'di kanais nais na pangyayari.

Malimit sa mga katulad kong kabataan ang maituturing nating maimahinatibo. Batid naman nating may kanya kanya tayong paniniwala at katangian. Madalas kong marinig na kabaliwan lamang ang mga naiisp namin. Na puro walang patutunguhan ang mga kathang-isip napumapasok sa aming mga ulirat. Subalit, alam ba nila ang dahilan bakit nabubuo ang mga 'di kapani paniwalang katauhang iyon?

Isang magandang halimbawa ay si Darna. Isang babaeng lumilipad at may pambihirang lakas at kapangyarihan. May babae ba namang lumilipad? Malamang wala! Subalit ang mensaheng ipinaabot sa atin ni Darna ang pinakadahilan bakit siya nabuo. Ang mensaheng kailangan natin ng isang manananggol. Na sa mundong ito, hindi tayo ligtas sa kapahamakan kaya kailangan ng pag-iingat.

Msaya ako at ako'y may malawak na pag-iisip. Na ako'y nabibilang sa hanay ng mga taong maimahinasyon. Wala akong bahid ng pagsisisi na ako'y iniluwal na may paniniwalang taliwas sa totoong daigdig. Basta ang masasabi kolang ay, "This is a democratic atmosphere. Yhis is a free world. You are free to do whatever you want and whatever you think." Sabihin man nilang may sayad ako dahil sa katangian kong ito, WAPAK!!!

Thursday, August 19, 2010

Easily upset kab? ni Christine Joy Yamson

EMO? OA? o MOODY? yan ang iniuugnay sa salitang EASILY UPSET

Ang Easily upset ay nangangahulugang walang komunikasyong nagaganap sa ibang tao.
May mga taong nag seset ng kanilang goals at plano pero hindi ito natutupad dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Idagdag pa natin dito yoong expectations ng ibang tao satin, na hindi natin nagawa kaya ang resulta ay tingin natin sa sarili ay LOOSER! .
Ang taong Easily upset ay kalimitang :

-No friends
-No fun
-Pakiramdam ay so lonely
-Tinatawag na EMO
- Depressed

Nagsaliksik ako ng isang true to life story :

Sa totoo lang nahirapan akong kumbinsihin na ilahad ang istorya niya.

Si Minda ay anak ng drug addict . Pinag-aaral siya ng kanyang ina na ang trabaho ay isang labandera. Isang gabi umuwi ang kanyang tatay sa bahay wala ang kanyang ina doon , hindi niya inaasahang gagahasain siya ng kanyang ama. Dahil dito nawalan na siya ng pag asa sa buhay lagi siyang nagiisip ng malalim, depressed, tinatawag na EMO at sobrang Easily upset

Hindi natin masisisi ang mga taong Easily upset dahil sa may kanya kanyang pinagdadaanang problema.


Wednesday, August 18, 2010

"aLaK aLaK bKiT HiNdi kA mALaKLaK" ni Joven Lester Diaz




Kapatid umiinom ka ba ng alak na makalasing?nku bkit kya ako hnd ko kayang amuyin o tikman man lang ang likidong ito. ewan ko ba?ang sv panga ng mga dabarkads ko kabilang daw ako sa mga taong tinatawag na SOBER..any way ano ba ang ibig svhin ng SOBER?..ang sober daw ay ang mga taong hindi marunong uminom ng alak.. so now i know... I AM CERTIFIED SOBER PEOPLE!!! tara halinat samahan nio ako sa pag talakay sa mga ipekto ng pag inom ng alak..!

GSM,DA BAR,EMPERADOR,COLT 45 at RED HORSE yan ang paborito at hinahanap hanap ng ngalangala at lalamunan ng kabataan ngayon.hay nku!ano kaya ang ngustuhan nla sa mapait at mapaklang lasa inumin na ito?! hindi naman nkakapag bigay lakas,hindi rin naman nakakatalino sahalip nakakasira sa ating katawan mula ulo hanggang paa.

beerbeer-styles1




anu-ano ba ang mga ito?

una!sa nakakapurol ng ating utak.
pangalawa!Ang atay ay isa sa mga organ na malalang naaapektuhan ng alcohol. Papaano? Kapag busy ang atay sa pagtunaw nang alcohol, hindi na nito nagagawa ang kanyang ibang normal functions o trabaho.

Ayon sa mga dalubhasa, ang sobrang alcohol ay nakakalason sa mga liver cells at nagdudulot ng permanent damage o tuloy-tuloy na pagkasira. Kapag lumaon ang tao ay maaaring makaroon ng cirrhosis sa atay. Ito ay pagkakaroon ng scarring, fat clogs at impaired blood flow papunta sa atay.

Kapatid, alalahanin bawat tao ay iisa lang ang atay at ang failure ng ating atay ay siguradong magdudulot ng malalang sakit at maging sanhi n gating kamatayan kung hindi maaagapan.

ikatlo!ang sobrang pag-inom ng may alcohol o alak ay may masamang epekto sa ating judgement, puwedeng maging sanhi ng domestic violence, aksidente habang nagmamaneho o nagtratrabaho at iba pa.

Hindi lang makasasama ang alcohol sa taong umiinom, maaari din itong maka-apekto, emotionally o financially sa pamilya niya.


Wala pang alak na hindi nagmahal, masyadong magastos, pati tuba ay nagmahal na rin.” (PLAY LAUGHING) Paliwanag ng isang kaibigan sa palengke na hindi makatulog kong hindi makainom ng alak.

Kapatid may mga tanong tayo bilang isang screening test para ma-assess natin ang ating drinking habits. Ang mga tanong na ito ay hindi naglalayon na maging basehan ng diagnosis o recommendation o treatment.

Kapatid pwede mong subukang sagutin ito ng OO o HINDI. Kumuha ng papel at lapis at ilista ang inyong sagot, madali lang ito, dahil pitong katanungan lamang.

  1. Pakiramdam mo ba na ang pag-inom ng parehong dami ng alak ay hindi na nakapagbibigay ng dating epekto sa iyo? Kinakailangan mo bang uminom ng mas marami upang maramdaman ang dating epekto ng alcohol sa iyo? Anong sagot mo? OO o HINDI?
  1. Kung hindi ka ba iinom ng alak ng ilang araw, mararamdaman mo ba ang sumusunod; pagsusukapanginginigpamamawispagbilis ng pulso o pintig ng pusohallucinations o pagkakita o pagdinig ng mga bagay na hindi nararamdaman ng ibapagiging nerbiyoso at matatakutinbalisa at pagkakaroon ng kumbulsyon? Anong sagot mo? OO o HINDI?
  2. Napapansin mo ba na lumalakas at tumatagal ang pag-inom mo ng hindi mo sinasadya? Anong sagot mo? OO o HINDI?
  3. Sinubukan o ginusto mo na bang bawasan ang iyong iniinom pero hindi mo kaya? Anong sagot mo? OO o HINDI?
  4. Napapansin mo ba ang sarili mong masmatagal maka-recover sa epekto ng alak? Anong sagot mo? OO o HINDI?
  5. Mas pinipili mo bang uminom kaysa gumawa ng ibang hobbies, interests at magtrabaho? Anong sagot mo? OO o HINDI?
  6. Patuloy ka pa rin bang umiinom sa kabila ng pagka-pahamak dahil dito ng iyong pamilya at kabuhayan? Anong sagot mo? OO o HINDI?

Kapatid check mo ang inyong kasagutan, ilan ang OO at HINDI. Ang sumagot ng OO na umabot sa tatlo o higit pa ay pinapayuhang kumonsulta kaagad sa doctor, o sa psychologist, o sa counselor o kaya ay sa religious advisor, sa mga Kristiyano sa inyong Pare o Pastor, samantala sa mga Muslim pumunta sa ating mga Aleem o Ustadz para malapatan ng lunas ang inyong problema.

Mula kay Kaka Ali, wala akong maipapayo, kundi ipahayag lamang ang sinabi ng Allah, na ang alak na makalasing ay Haram at ang uminom o gumawa ng Haram ay may kaukulang parusa mula sa kanyang Lumikha.

Ito po ang inyong Kapatid na si jovina na naghihikayat sa ating lahat itigil na nagtin ang pag-inom ng alak na makalasing.. dahil wala itong naidudulot na mabuti sa ating kalusugan at pananampalataya..



"Shy Aketch" ni Adrian Enriquez


TIMID o Pagkamahiyain, iyan nang tawag nila sa akin. Ito'y isa kong katangian na minsaÿ kinagigiliwan at madalas kinaiinisan. Hindi ko mawari kung bakit madalas ay ayaw ng mga tao sa akin. Basta ang alam ko malaki ang tulong ko sa mgatao upang maging maayos ang ugnayan namin. Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit nila gusto sa akin?, halina't suriin nating mabuti.
Ninanais ng ilan na taglayin aking katangian sapagkat gusto nilang hindi makialam sa ibang tao. Ang totoo, kaya naman ako umiiral ay upang respituhin ang nais ng ibang tao, upang masabi nila na hindi ko pinakikialaman ang kagustuhan nila. Bakit nga ba? madami kasing taong nagtataglay ako ang natatakot na masabihan at maisipan na pakialamero, kaya kadal;asan kahit may gusto silang sabihin kung anu ang tama mas minamabuti nilang hindi nalang magsalita. Ang iba namn ay ginagamit ako sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Mas pinipili ng iba na mag-isa o hayaan na dati nalang mga kaibigan ang kasama dahil sa akin, natatakot silang mapagsipang masyado silang pamilyar o kaya tanggihan ng ibang mga tao, sa ibang kultura ay kasama ako at talagang tinuturo aki mula palang pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit ako umiiral. Pero bakit nag madami ang umaayaw sa akin eto naman ang dahilan.
Ayaw nila sa akin dahil ako daw ang sanhi ng pagkakahiwalay ng mga tao. Dahil daw sa akin sa halip na magkaruon ng pagkaka-isa ninanais ng ilan na mag-isa nalamang o kaya'y manahimik na lamang. Pero bakit ba ganito ang kanilang naisip? madami kasi sa nagtataglay sa akin ang nahihirapan ilabas kung ano talaga ang nilalaman ng puso''t isipan nila. Marami namang nangangatwiran na ayaw nila magkamali kaya hindi nalang sila kikibo. Oo, maganda man ang intensyon nila subalit madalas marami ang nagkakamaling intindihin ako, kaya naman maraming institusyon mawala ako sa sirkulasyon ng buhay ng tao.
Oo, maganda man o masama. Isa na kong bagay na ayawin man o gustuhin ng isanag tao ay mananatili. Ibig ko lang iparating na hindi naman talaga akong masama ang nais kolang itindihin nila ako at wag hatulan.

Monday, August 16, 2010

"Power Hug" ni Jane Villanueva












Trip mo ba gumala?? Kumaen?? tumambay o di kaya MAGSAYA buong araw..??
Bakit hindi diba?? masaya yun tiyak kung mga kasama mo e yung marunong mag ENJOY..,, yung tipong kukumpleto sa buong maghapon mo. Ganyang ganyan uso sa mga kabataan tulad nmin :) Bubkod sa oras na ginugugul sa eskwela,.,!
Barkada,., isa sa nagiging dahilan ng kasiyahan, bakit nga ba hindi e kung ang mga makakasama mo e bukod sa astig , kengkoy e may PAKISAMA. Dito pumapaloob ang mga ugaling ito.. may concern,pagdamay,may pagmamahal. Sa pagkakaibigan kasi halos lahat dito na nagsisimula,.. at pinakamaganda nga pag EASY GOING ang isang tao,., madaling pakisamahan at may pagkakaunawaan.
Dahil my pakisama mga kaibigan ko, walang oras na hindi masakit ang tiyan ko:) Sabi nga namin GOOD trip man O BAD trip in ka dito.Parang sa STAR CITY, maraming rides na pwedeng sakyan. Actualy masasakyan mo lang ang mga ito kung hindi ka K.J na klase ng tao.
kasi my mga rides na astig sa saya,,. Pareang Roller Coaster db?? Ito yung pakiramdam na. OH MY GOSH!! HAHA!! BER UBER na halakhak,,.. :) Hindi mo alam kung hanggang kailan,, kung kailan lilipas., O kailan mauulit :)
st.albert (09-10)
At ano nga ba ang pakiramdam sa loob ng horror Train or haunted house?? eto yung pakiramdam na parang nakakatakot ,, may sigaw effect pa,, takbo effect . sa tao eto yung tao na papatayin yung saya sa barkada,., kadalasan siya pa nagiging dulot para magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon makakahanap tayo ng mejo o my magandang pag-uugali. ADJUSTMENT ang kailangan para sa magandang pagkakaibigan:) AT ito ay magsisimula sa pagtingin muna sa sarili mo bago sa iba,. :)

Sa kaibigan iba iba tayo ng pananaw,, maaari silang mga tunay at tapat. at meron ding tapat sa harap mo ngunit sa pagtalikod mo iba na ang tingin sayo.., :)