
"Shy Aketch" ni Adrian Enriquez
TIMID o Pagkamahiyain, iyan nang tawag nila sa akin. Ito'y isa kong katangian na minsaÿ kinagigiliwan at madalas kinaiinisan. Hindi ko mawari kung bakit madalas ay ayaw ng mga tao sa akin. Basta ang alam ko malaki ang tulong ko sa mgatao upang maging maayos ang ugnayan namin. Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit nila gusto sa akin?, halina't suriin nating mabuti.
Ninanais ng ilan na taglayin aking katangian sapagkat gusto nilang hindi makialam sa ibang tao. Ang totoo, kaya naman ako umiiral ay upang respituhin ang nais ng ibang tao, upang masabi nila na hindi ko pinakikialaman ang kagustuhan nila. Bakit nga ba? madami kasing taong nagtataglay ako ang natatakot na masabihan at maisipan na pakialamero, kaya kadal;asan kahit may gusto silang sabihin kung anu ang tama mas minamabuti nilang hindi nalang magsalita. Ang iba namn ay ginagamit ako sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Mas pinipili ng iba na mag-isa o hayaan na dati nalang mga kaibigan ang kasama dahil sa akin, natatakot silang mapagsipang masyado silang pamilyar o kaya tanggihan ng ibang mga tao, sa ibang kultura ay kasama ako at talagang tinuturo aki mula palang pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit ako umiiral. Pero bakit nag madami ang umaayaw sa akin eto naman ang dahilan.
Ayaw nila sa akin dahil ako daw ang sanhi ng pagkakahiwalay ng mga tao. Dahil daw sa akin sa halip na magkaruon ng pagkaka-isa ninanais ng ilan na mag-isa nalamang o kaya'y manahimik na lamang. Pero bakit ba ganito ang kanilang naisip? madami kasi sa nagtataglay sa akin ang nahihirapan ilabas kung ano talaga ang nilalaman ng puso''t isipan nila. Marami namang nangangatwiran na ayaw nila magkamali kaya hindi nalang sila kikibo. Oo, maganda man ang intensyon nila subalit madalas marami ang nagkakamaling intindihin ako, kaya naman maraming institusyon mawala ako sa sirkulasyon ng buhay ng tao.
Oo, maganda man o masama. Isa na kong bagay na ayawin man o gustuhin ng isanag tao ay mananatili. Ibig ko lang iparating na hindi naman talaga akong masama ang nais kolang itindihin nila ako at wag hatulan.
No comments:
Post a Comment