
“Kapatid umiinom ka ba ng alak na makalasing?nku bkit kya ako hnd ko kayang amuyin o tikman man lang ang likidong ito. ewan ko ba?ang sv panga ng mga dabarkads ko kabilang daw ako sa mga taong tinatawag na SOBER..any way ano ba ang ibig svhin ng SOBER?..ang sober daw ay ang mga taong hindi marunong uminom ng alak.. so now i know... I AM CERTIFIED SOBER PEOPLE!!! tara halinat samahan nio ako sa pag talakay sa mga ipekto ng pag inom ng alak..!
GSM,DA BAR,EMPERADOR,COLT 45 at RED HORSE yan ang paborito at hinahanap hanap ng ngalangala at lalamunan ng kabataan ngayon.hay nku!ano kaya ang ngustuhan nla sa mapait at mapaklang lasa inumin na ito?! hindi naman nkakapag bigay lakas,hindi rin naman nakakatalino sahalip nakakasira sa ating katawan mula ulo hanggang paa.
anu-ano ba ang mga ito?
una!sa nakakapurol ng ating utak.
pangalawa!Ang atay ay isa sa mga organ na malalang naaapektuhan ng alcohol. Papaano? Kapag busy ang atay sa pagtunaw nang alcohol, hindi na nito nagagawa ang kanyang ibang normal functions o trabaho.
Ayon sa mga dalubhasa, ang sobrang alcohol ay nakakalason sa mga liver cells at nagdudulot ng permanent damage o tuloy-tuloy na pagkasira. Kapag lumaon ang tao ay maaaring makaroon ng cirrhosis sa atay. Ito ay pagkakaroon ng scarring, fat clogs at impaired blood flow papunta sa atay.
Kapatid, alalahanin bawat tao ay iisa lang ang atay at ang failure ng ating atay ay siguradong magdudulot ng malalang sakit at maging sanhi n gating kamatayan kung hindi maaagapan.
ikatlo!ang sobrang pag-inom ng may alcohol o alak ay may masamang epekto sa ating judgement, puwedeng maging sanhi ng domestic violence, aksidente habang nagmamaneho o nagtratrabaho at iba pa.Hindi lang makasasama ang alcohol sa taong umiinom, maaari din itong maka-apekto, emotionally o financially sa pamilya niya.
Kapatid may mga tanong tayo bilang isang screening test para ma-assess natin ang ating drinking habits. Ang mga tanong na ito ay hindi naglalayon na maging basehan ng diagnosis o recommendation o treatment.
Kapatid pwede mong subukang sagutin ito ng OO o HINDI. Kumuha ng papel at lapis at ilista ang inyong sagot, madali lang ito, dahil pitong katanungan lamang.
- Pakiramdam mo ba na ang pag-inom ng parehong dami ng alak ay hindi na nakapagbibigay ng dating epekto sa iyo? Kinakailangan mo bang uminom ng mas marami upang maramdaman ang dating epekto ng alcohol sa iyo? Anong sagot mo? OO o HINDI?
- Kung hindi ka ba iinom ng alak ng ilang araw, mararamdaman mo ba ang sumusunod; pagsusuka… panginginig… pamamawis… pagbilis ng pulso o pintig ng puso… hallucinations o pagkakita o pagdinig ng mga bagay na hindi nararamdaman ng iba… pagiging nerbiyoso at matatakutin…balisa at pagkakaroon ng kumbulsyon? Anong sagot mo? OO o HINDI?
- Napapansin mo ba na lumalakas at tumatagal ang pag-inom mo ng hindi mo sinasadya? Anong sagot mo? OO o HINDI?
- Sinubukan o ginusto mo na bang bawasan ang iyong iniinom pero hindi mo kaya? Anong sagot mo? OO o HINDI?
- Napapansin mo ba ang sarili mong masmatagal maka-recover sa epekto ng alak? Anong sagot mo? OO o HINDI?
- Mas pinipili mo bang uminom kaysa gumawa ng ibang hobbies, interests at magtrabaho? Anong sagot mo? OO o HINDI?
- Patuloy ka pa rin bang umiinom sa kabila ng pagka-pahamak dahil dito ng iyong pamilya at kabuhayan? Anong sagot mo? OO o HINDI?
Kapatid check mo ang inyong kasagutan, ilan ang OO at HINDI. Ang sumagot ng OO na umabot sa tatlo o higit pa ay pinapayuhang kumonsulta kaagad sa doctor, o sa psychologist, o sa counselor o kaya ay sa religious advisor, sa mga Kristiyano sa inyong Pare o Pastor, samantala sa mga Muslim pumunta sa ating mga Aleem o Ustadz para malapatan ng lunas ang inyong problema.
Mula kay Kaka Ali, wala akong maipapayo, kundi ipahayag lamang ang sinabi ng Allah, na ang alak na makalasing ay Haram at ang uminom o gumawa ng Haram ay may kaukulang parusa mula sa kanyang Lumikha.
Ito po ang inyong Kapatid na si jovina na naghihikayat sa ating lahat itigil na nagtin ang pag-inom ng alak na makalasing.. dahil wala itong naidudulot na mabuti sa ating kalusugan at pananampalataya..
No comments:
Post a Comment