Wapak!
(ni Brian John Mendoza)
Don't judge too quickly what you see;
Treat lightly first impression;
Misunderstandings multiply
Without communication.
--Sper
Napatingin ako sa bandang kanan, nakita ko si Dyesebel lumalangoy sa karagatan. Umihip ang malakas na hangin sa bandang kaliwa at napatingin ako. Naroon si Aang, ang Last Air Bender. Kumurap-kurap ako at napatingala, naroon sina Captain Barbel at Darna lumilipad. Kabaliwan kung maituturing. Mga taong lumilikha ng mga 'di malilimutang katauhan. Mga taong masasabi nating may malawak na pag-iisip at maimahinasyong katangian.
Isa ako sa kanila. Isang binatilyong kung mag-isip ay Out of this World. Isang binatan may paniniwala na taliwas sa realidad. Kadalasan akong mahusgahan ng mga katulad kong hilaw pa kung maituturing. Mga kabataang salat pa sa karanasan.
Lubos akong humahanga sa taong masasabi nating katulad ko. Mga taong dahilan kung bakit nahulma ako bilang isang tao. Mga taong gumising sa akin kung sino ako. Mga taong nagbigay ng inspirasyon upang patuloy na mabuhay sa kabila ng kalupitan ng lipunang ito. Mga taong patuloy na naniniwala na may pagbabago kung sakali mang may 'di kanais nais na pangyayari.
Malimit sa mga katulad kong kabataan ang maituturing nating maimahinatibo. Batid naman nating may kanya kanya tayong paniniwala at katangian. Madalas kong marinig na kabaliwan lamang ang mga naiisp namin. Na puro walang patutunguhan ang mga kathang-isip napumapasok sa aming mga ulirat. Subalit, alam ba nila ang dahilan bakit nabubuo ang mga 'di kapani paniwalang katauhang iyon?
Isang magandang halimbawa ay si Darna. Isang babaeng lumilipad at may pambihirang lakas at kapangyarihan. May babae ba namang lumilipad? Malamang wala! Subalit ang mensaheng ipinaabot sa atin ni Darna ang pinakadahilan bakit siya nabuo. Ang mensaheng kailangan natin ng isang manananggol. Na sa mundong ito, hindi tayo ligtas sa kapahamakan kaya kailangan ng pag-iingat.
Msaya ako at ako'y may malawak na pag-iisip. Na ako'y nabibilang sa hanay ng mga taong maimahinasyon. Wala akong bahid ng pagsisisi na ako'y iniluwal na may paniniwalang taliwas sa totoong daigdig. Basta ang masasabi kolang ay, "This is a democratic atmosphere. Yhis is a free world. You are free to do whatever you want and whatever you think." Sabihin man nilang may sayad ako dahil sa katangian kong ito, WAPAK!!!

No comments:
Post a Comment